On World Press Freedom Day

May 3, 2018

Isang pagbati sa mga magigiting nating mamamahayag ngayong World Press Freedom Day!

Ang tema ngayong taon ay “Keeping Power in Check: Media, Justice, and the Rule of Law.”

Angkop ang temang ito sa paglalarawan ng pamamahayag sa Pilipinas — noon, ngayon, at sa hinaharap. Sa kabila ng maraming pagsubok, kahit pa Batas Militar at ang banta ng one-man rule o diktadurya, nananatiling matatag ang ating mga mamamahayag at nagpapatuloy magbalita ng mga mahahalagang usapin para ang mga Pilipino ay makapagpasya nang tama, kasama na ang umaksyon laban sa mga abusado sa kapangyarihan.

Nabalita kamakailan na bumaba ang Pilipinas sa ranking ng mga bansa patungkol sa malayang pamamahayag. Ayon sa nasabing pag-aaral, dahil daw ito sa pananakot at pagpigil sa media para magsalita.

Tunay nga na marami tayong hinaharap bilang isang bayan. At isa ang media sa mga patuloy pa rin sa walang-sawang pagbibigay-serbisyo sa kabila ng pananakot at panunupil.

Isa sa mga tinatawag na “thankless jobs” ang pagiging mamamahayag kung kaya’t dapat nating alalahanin na ang malayang pamamahayag ay isa sa ating mga karapatan na nagsusukat sa lakas o kahinaan ng demokrasya.

Mabuhay ang malayang pamamahayag!