Double dead baka bumaha sa Kapaskuhan

October 6, 2010

Boyet Jaduco
Abante
October 6, 2010

Malamang na bahain ng double dead na karne ang mga palengke sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan kung patuloy na magiging petik-petik lamang ang gobyerno sa pagharap ng problemang ito.

Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, na kahit araw-arawin ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang pag-raid at pagkum­piska ng mga double dead na karne sa palengke, hindi pa rin nito masosolusyunan ang pagkalat ng ganitong klase ng karne sa merkado.

Aniya, hindi lang dapat ang NMIS ang nagtatrabaho sa pagkalat ng kar­neng ito na tinatawag na ‘botcha’, kundi pati na ang Philippine National Police, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Agriculture.

Sa panig ng senador, pinag-aaralan na rin nito kung anong mga probisyon ng batas laban sa mga tusong negosyante ang kinakailangang retokehin upang lalong mapabigat ang parusa sa nagbebenta ng double dead na karne.

View original post on Abante Online