Commemoration?
Nag-attend ng mass at lunch commemorating the second year of the detention of Senator Leila.
Kailangan nating kilalanin at maalala na nangyari two years ago na siya ay kinulong at dalawang taon nang nakakulong. Naniniwala tayo na ang ebidensya ay fabricated at manufactured at mahina, na hindi tama, na ito ay panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon.
Kumusta siya?
Masaya naman siya, nakangiti. I guess she’s making the most out of the situation. Matapang pa rin. Mukhang hindi nakikita ang anumang kahinaan ng loob. At narito tayo para pakita natin na di natin siya nakakalimutan, na patuloy na ipinaglalaban na darating ang araw na siya ay makakalaya rin siya sa kanyang detention.
Under Duterte?
Walang imposible. Basta tayo, hindi titigilan ang panawagan na hindi makatarungan ang kanyang detention at dapat siyang palayain.
Chinese workers in Philippines?
Hindi tayo sumasang-ayon dun sa patakaran na ang mga dayuhan, at lalo na ang Chinese, ay nakakakuha ng trabaho rito na kaya namang gampanan ng ating mga kababayan.
Ba’t inuuna ang mga dayuhan? Republika ng Pilipinas ‘to, hindi naman tayo probinsya ng China
Dapat inuuna ang trabaho para sa ating kababayan.