Statement of Sen. Francis Pangilinan on possible release of convicted rapist-murderer, drug-lord witnesses vs Sen. De Lima
His release will be a mockery of justice: Kiko
We were among those who signed the Senate bill that became Republic Act 10592, so we know that its intent is not to determine the fate of inmates solely on mathematical computation.
Numbers such as days of the month should have value as well as context in assessing good conduct. One cannot act like a saint for 20 days in a month, just because it is a requirement of law, and be like Lucifer for the rest of the month. There should be an objective assessment of how the incarceration has contributed to the reformation and rehabilitation of a person.
In the case of former Mayor Sanchez, despite the good conduct he has purportedly shown, the infractions he committed while serving should not be disregarded. His so-called reformation is doubtful.
He cannot be among the first to be released when there are more deserving. His release will be a mockery of justice.
Kasama tayo sa mga pumirma ng panukala na naging batas RA 10592, kaya alam natin na ang layunin nitong batas ay hindi i-angkla ang kapalaran ng mga bilanggo sa mga numero lang.
May halaga at ibig-sabihin ang mga araw sa buwan sa pag-assess ng good conduct o magandang asal. Hindi pwedeng magkunwaring santo nang 20 araw kada buwan, dahil lang ito ang requirement ng batas, pero mag-asta namang Lucifer sa mga nalalabing araw ng buwan. Dapat merong patas na pagsusuri kung paano nakatulong umayos at magbagong-buhay ang tao.
Sa kaso ni dating mayor Sanchez, kahit siya pa nagpakita raw ng mabuting asal, ang mga kasalanan niya habang nakakulong ay hindi dapat balewalain. Kahina-hinala itong kanilang tinawag na pagbabago niya.
Hindi siya pwedeng maunang ma-release samantalang mas marami ang mas karapat-dapat. Pagtuya sa katarungan ang kanyang paglaya.