As public servants and duly elected officials, we are sworn to serve and protect the rights of every Filipino and to uphold and defend the Philippine Constitution.
That very Constitution, the basic law of the land, commands that the privilege of the writ of habeas corpus — a safeguard against state abuse, particularly of warrantless arrests – may only be suspended in cases of invasion and rebellion.
Section 15 of the Bill of Rights provides: “The privilege of the writ of habeas corpus shall not be suspended except in cases of invasion or rebellion when the public safety requires it.”
The drug menace is not a ground to suspend the privilege of the writ.
On the matter of rebellion, the administration is already talking peace with all armed groups, and we are in full support.
We see no basis for the suspension of the Filipino’s privilege of the writ of habeas corpus and we shall remain committed to upholding the sacred constitutional safeguards to the rights of the Filipino people.
Bilang mga lingkod bayan at nahalal na mga opisyal nito, sinumpaan nating paglingkuran at pangalagaan ang mga karapatan ng bawat Pilipino, at itaguyod at ipagtanggol ang ating Saligang Batas.
Mismong ang Saligang Batas, ang pangunahing batas ng bayan, ang nag-uutos na ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus — isang pananggalang sa pang-aabuso ng estado, partikular sa mga warrantless arrest — ay maaari lamang suspindihin sa mga kaso ng invasion at rebellion.
Ayon sa Section 15 ng Bill of Rights: “The privilege of the writ of habeas corpus shall not be suspended except in cases of invasion or rebellion when the public safety requires it.”
Ang banta ng droga ay hindi batayan para suspindihin ang pribilehiyo ng nasabing writ.
Sa usaping rebellion, nakikipag-usap na rin naman ang ating administrasyon sa mga armadong grupo ukol sa usaping pangkapayapaan. Buong-buo ang suporta natin dito.
Wala tayong nakikitang batayan para suspindihin ang pribilehiyong writ of habeas corpus ng mga Pilipino, at nananatili tayong tapat sa pangakong itaguyod ang banal na pananggalang ito na nakasaad sa Saligang Batas para mga karapatan ng sambayanang Pilipino.