KIKO TO BUDGET BICAM: CREATE A PANEL OF OBSERVERS TO MONITOR BICAM PROCEEDINGS

Ngayong Lunes, sisimulan natin ang plenary deliberations sa 7.2-trillion-peso budget para sa 2027.

Para kay Kuya Jun na taxi driver, mahirap isipin kung gaano kalaki ang halagang ito. Sabi niya, ang abot lang niyang isipinay ‘yung 3,000 pesos na kailangan niyang kitain sa araw-araw.

Pero kahit hindi niya gagap ang trilyon-trilyong piso. Ramdam niya kapag mali ang paggastos o kapag ninakaw ang pera: siksikan ang mga classroom ng mga anak niya, walang libreng gamot para sa senior niyang nanay, at walang irigasyon ang sakahan ng kanyang tatay.

Nagpapasalamat tayo sa mga citizen watchdog na kinwestyonang mga kahina-hinalang alokasyon, humingi ng mga ebidensya sa gastusin, at nagmungkahi ng alternatibong pupuntahan ng pera. Nagpapasalamat tayo sa kanilang mga katuwang natin sa pagprotekta ng pera ng taumbayan.

Kaya nanawagan ako sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magtatag ng panel ng mga observer mula sa citizens’ groups, pribadong sektor, Commission on Audit, at Office of the Ombudsman para sa bicam committee meetings. Baka pwede rin nating imbitahan bilang observer ang Supreme Court, alinsunod sa kanilang Lagman ruling, their independence intact.

Dapat gawing regular na bahagi ng budget process ang sinimulan ni Senate President Win Gatchalian noong nakaraang taon at ipinagpatuloy ni Senador JV Ejercito ngayon: ang pagtanggap sa mga citizen watchdog bilang observers at bisitang Senate contingent.

I-publicize din ang bawat pagbabago sa bicam. Tukuyin kung sino ang nagpanukala. Ipaliwanag kung para saan. Kailangan maliwanag ang paliwanag.

At paghandaan ang super El Niño. Dapat priority ang seguridad sa tubig, paghahanda sa tagtuyot, at mga napapanahon at angkop na tulong sa ating mga magsasaka.

Kailangang manaig ang paghahandang mag poprotekta sa ani, kabuhayan, at abot-kayang pagkain ng lahat ng Pilipino.

Prevention is better than cure. Hindi dapat nawala na pera ng ating taxpayers bago makapag-usisa.

May pananagutan ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa bawat alokasyon bago ito maging batas. Pera ito ng taumbayan. Dapat bukás sa taumbayan ang proseso ng pagtatalaga kung saan mapupunta ang perang pinagpaguran. Trabaho nating ingatan ang bawat piso ng national budget.