Boyet Jadulco
October 31, 2010
Abante
Paulit-ulit na itinuturo sa mga eskwelahan na hindi magandang asal ang pangongopya pero isang senador ang nagsasabi ngayon kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na walang masama sa pangongopya.
Ang tinutukoy ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ay ang pangongopya o paggaya ng Pilipinas sa agricultural program ng Vietnam na tumatag ang ekonomiya at nagsimulang lumakas bilang bansa dahil sa masaganang ani.
Bagama’t totoo umanong tinuruan lamang ng Pilipinas ang Vietnam kung paano magtanim ng palay, inamin ni Pangilinan na nasa Vietnam naman ang teknolohiya at tamang katangian kung paano mapalago ang ani.
View original post on Abante Online