Statement of Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, On House minority leadership and Charter change

August 6, 2018

At no other time in the 17th Congress do Filipinos need a House of Representatives with a genuine opposition than now.

Only a credible opposition will raise critical questions and block self-serving moves against plans to hurry the approval of the revision of the 1987 Constitution in two months, just so it won’t get in the way of the filing of the certificates of candidacy in October this year.

We have warned in the past against rushing Charter change. This should not be treated like an ordinary bill that can simply be amended after a few hearings.

Let’s keep in mind that for all the time, money and resources the government already spent on Cha-cha and federalism, our people are not in favor of the initiative, or have little knowledge of it.

The respective committees in both the Senate and the House should continue the public hearings on Charter change and federalism with deliberation. The more voices are heard, the more assurance that the final output on the issue is from the people, not politicians who want to remain in power forever.

**

Wala nang iba pang oras ngayong 17th Congress na mas kailangan ng mga Pilipino ang isang tunay na oposisyon kundi ngayon.

Tanging isang tunay na oposisyon ang makakapagbato ng mga kritikal na tanong at makakaharang sa mga makasariling galaw laban sa planong madaliin ang pagpapasa ng rebisyon sa 1987 Constitution sa loob ng dalawang buwan, para lang hindi ito makasagabal sa paghain ng mga certificate of candidacy sa Oktubre ngayong taon.

Dati na tayong nagbabala laban sa pagmamadali ng Charter Change. Hindi ito dapat itinatrato na parang ordinaryong panukalang batas na maaaring mabago matapos ang ilang hearing lamang.

Tandaan natin na sa lahat ng oras, pera, at kagamitan ng pamahalaan na nagasta na sa Cha-cha at pederalismo, ang ating mga mamamayan ay hindi pabor sa inisyatiba, o hindi masyadong alam kung ano ito.

Dapat ipagpatuloy ng mga kinauukulang komite sa Senado at House ang mga pagdinig sa Charter change at pederalismo nang may debate. Kapag mas maraming boses ang naririnig, mas nakakasiguro na ang kalalabasan sa isyu ay galing sa mamamayan, hindi sa mga pulitiko na nais manatili sa pwesto habang-buhay.