On the 70th year of the Universal Declaration of Human Rights on 10 December 2018

December 10, 2018

ALAM NIYO BA? 5 bagay tungkol sa Universal Declaration of Human Rights

Ipinagdiriwang natin ang pagpirma sa kasulatang ito pitumpung taon nang nakalipas, habang pilit nating isinasabuhay ang diwa ng sagot sa tanong na “paano maging tao?”

Magkapatid ang karapatan at katarungan. Kapag tinutupad ng mga may tungkulin na alagaan at isakatuparan ang mga karapatan ng tao, may katarungan. Ang ugat ng salitang “karapatan” ay dapat; ang “katarungan”, tarong o tama o maayos. Dapat tama. Dapat maayos.

  1. Kasaysayan. Pinagtibay ito 70 taon nang nakaraan pagkatapos ng madugong World Wars I at II nang maging saksi ang mga lider ng mundo sa mga kalupitang dulot ng giyera, sa karahasan ng tao sa kapwa, at sumumpang hindi na ito mauulit.

2. Rebolusyonaryo. Tinuring na kamangha-mangha ang Deklarasyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon, tinalaga nito ang mga batayang karapatang pantao na dapat protektahan saanman, kailanman; pinapahayag nito na lahat ng tao ay may mga karapatang hindi pwedeng kunin o ipamigay.

3. Namuno. Si Eleanor Roosevelt, ang biyuda ni US President Franklin D. Roosevelt, ang isa sa mga nagtulak para maisakatuparan ito.

4. Mga nagpatibay. Isa ang Pilipinas sa unang 48 na bansang bumoto para ipagtibay ang Deklarasyong ito. Ang iba pang mga pumirma: Afghanistan, Argentina, Australia, Belgium, Bolivia, Brazil, Burma, Canada, Chile, China, Colombia, Costa Rica, Cuba, Denmark, Dominican Republic, Ecuador, Egypt, El Salvador, Ethiopia, France, Greece, Guatemala, Haiti, Iceland, India, Iran, Iraq, Lebanon, Liberia, Luxembourg, Mexico, Netherlands, New Zealand, Nicaragua, Norway, Pakistan, Panama, Paraguay, Peru, Siam (ngayon Thailand), Sweden, Syria, Turkey, United Kingdom, United States, Uruguay, at Venezuela.

5. Pagsasalin. Isinalin sa mahigit 500 lenggwahe ang Deklarasyon, isang world record.

We celebrate the signing of this document seventy years ago, as we try to live the spirit of the answer to the question “what makes one human?”

Human rights and justice are brother and sister. There is justice when duty-bearers nurture and realize human rights. Rights are a must; justice means doing right. We must do right.

  1. History. It was adopted 70 years ago after the bloody World Wars I and II when world leaders saw the horrors of war, the unspeakable violence of human versus human, and vowed never again.

2. Revolutionary. The Declaration is considered remarkable because for the first time, it defines the basic human rights that must be protected everywhere all the time; it declares that everyone has rights that cannot be taken or given away.

3. Leaders. Eleanor Roosevelt, the widow of US President Franklin D. Roosevelt, was a prime mover of the Declaration.

4. Adoption. The Philippines is one of the first 48 countries to vote for the adoption of this Declaration. Other signatories: Afghanistan, Argentina, Australia, Belgium, Bolivia, Brazil, Burma, Canada, Chile, China, Colombia, Costa Rica, Cuba, Denmark, Dominican Republic, Ecuador, Egypt, El Salvador, Ethiopia, France, Greece, Guatemala, Haiti, Iceland, India, Iran, Iraq, Lebanon, Liberia, Luxembourg, Mexico, Netherlands, New Zealand, Nicaragua, Norway, Pakistan, Panama, Paraguay, Peru, Siam (Now Thailand), Sweden, Syria, Turkey, United Kingdom, United States, Uruguay, and Venezuela.

5. Translation. The Declaration was translated into more than 500 languages, a world record.