Our faith, tenacity make us overcome life’s hurdles, realize our dreams, reach our goals: Kiko

January 20, 2019

Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on Sinulog

Our faith, tenacity make us overcome life’s hurdles, realize our dreams, reach our goals: Kiko

The occasion of the Sinulog and the Fiesta Senyor Santo Nino bears witness to the Filipinos’ fervent devotion to Christianity, and the deep faith that guides their everyday life. Adding more meaning of the Sinulog is the fact it is celebrated in the cradle of Filipino Christianity, Cebu City.

As we celebrate the Sinulog in veneration of the image of the child Jesus, let’s whisper a simple prayer for peace, unity, and less hardship for the Filipino people.

It is our faith and tenacity that make us overcome life’s hurdles, realize our dreams, and reach our goals.

May the spirit of solidarity during this celebration rouse us all into collective action toward uplifting the lives of our people.

Viva Pit Senyor!

Sa ating pananampalataya’t pagpupursigi, nalalampasan mga pagsubok sa buhay, naaabot mga pangarap: Sen. Kiko

Patunay ang pagdiriwang ng Sinulog at ng Fiesta ng Senyor Santo Niño sa maalab na debosyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo, at ang malalim na pananampalataya na gumagabay sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Dagdag pa sa kahulugan ng Sinulog ay ang pagdiriwang nito sa duyan ng Kristiyanismong Pilipino, ang lungsod ng Cebu.

Habang ipinagdiriwang natin ang Sinulog sa pagsamba sa imahe ng sanggol na Hesus, ipagdasal natin ang kapayapaan, pagkakaisa, at maayos na buhay para sa ating mga Pilipino.

Ang ating pananampalataya at pagpupursigi ang dahilan kung bakit natin nalalampasan ang mga pagsubok sa buhay at naaabot ang mga pangarap na inaasam.

Nawa’y pukawin tayo ng diwa ng pakikipagkapwa na sama-samang kumilos para mapabuti ang buhay ng ating mga kababayan.

Viva Pit Senyor!