Pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan sa Pagpapawalang-sala Kay Dating Pangulong Arroyo

July 20, 2016

Kiko Pangilinan

Ang katarungan ay di lamang tungkol sa resulta. Tulad ng demokrasya, ang katarungan ay higit na tungkol sa proseso.

Karampatang proseso ang pinagdaanan ni Pangulong Arroyo — at dahil siya ay lingkod bayan ito rin ang pinagdaanan ng mga institusyon ng bayan — nang nakaraang limang taon. Ang pagpapawalang-sala sa kaniya ay bunga ng mga panuntunan ng batas. Maaaring gusto o ayaw natin ng resulta. Pero ito ay pinal na at nirerespeto natin ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Pero marami pang pwedeng gawin sa proseso. Ito’y napakabagal. Para sa mga karaniwang Pilipinong naiipit sa sistemang ito, at maituturing krimen ang sobrang kabagalan. ‘Yan ang hamon: na mapabilis ang proseso at mailapit sa tunay na katarungan para mas magkaroon ng respeto sa batas at sa sistema ng katarungan.

Pinupuri natin ang Ombudsman sa patuloy na pagpupursige ng kanilang mandatong bawasan ang korupsyon sa pamahalaan at itaas ang antas ng serbisyo publiko sa bayan.

 

[Read this in English]