Yes, the P60 million Department of Tourism (DoT) ad buy is on its face highly irregular and the Ombudsman should look into it. The explanation that the DoT dealt with PTV 4 is unacceptable.
If we accept Secretary Teo’s explanation then all Cabinet secretaries can now apportion millions of pesos worth of government projects and programs in their respective agencies for their brothers or sisters or their spouses. This explanation is totally ridiculous.
Oo, sa unang tingin iregular nga ang P60 milyong halaga na ginastos ng Department of Tourism (DoT) para sa mga ads at dapat itong imbestigahan ng Ombudsman. Hindi katanggap-tanggap ang paliwanag na may ginawang kasunduan ang DoT sa PTV 4.
Kung tatanggapin natin ang paliwanag ni Secretary Teo, pwede nang maglaan ng milyun-milyong pisong halaga ng proyekto at programa ng pamahalaan ang mga miyembro ng gabinete sa kani-kanilang mga kapatid o asawa. Katawa-tawa ang paliwanag na ito.