Sen. Francis “Kiko” Pangilinan congratulates Sen. Leila De Lima on the Amnesty International award

May 29, 2018

We are proud to highlight the distinction given to Senator Leila de Lima as the most distinguished individual human rights defender from the rights watchdog Amnesty International.

Senator De Lima is worthy of the accolade, as much as she deserves to be free from unjust detention and political persecution from this administration. The award is a great moment for her fight against the abuses of the administration, and at the same time, a message of hope for the victims of human rights violations.

After more than a year, she is still awaiting arraignment on false drug-related charges. She has been denied not only of her rights as a prisoner, but her rights as mother to her children. While other jailed political personalities have been granted furlough during special family occasions, Senator De Lima’s request to attend the graduation of her son was turned down.

Her indefatigable spirit and her passion to continue being the voice of the voiceless Filipinos whose rights are trampled are what keep her going. The recognition from Amnesty International will no doubt help her carry on.

Nagagalak tayo sa parangal na iginawad kay Senador Leila De Lima bilang most distinguished individual human rights defender mula sa rights watchdog na Amnesty International.

Karapat-dapat si Senador Leila De Lima sa parangal na ito, singhalaga ng kanyang karapatan na maging malaya mula sa di-makatarungang pagpapakulong at pagmamalupit ng administrasyong ito. Ang parangal na ito ay isang mahalagang pagkakataon para sa laban kontra sa mga abuso ng administrasyon, at kasabay nito, isang mensahe ng pag-asa para sa mga biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Makalipas ang mahigit na isang taon, hinihintay pa rin niya ang pagdinig sa mga huwad na kaso sa droga. Patuloy na ipinagkakait ang kanyang karapatan hindi lamang bilang isang bilanggo, ngunit pati bilang isang ina sa kanyang mga anak. Habang ang ibang politikong kasalukuyang nakabilanggo ay nabibigyan ng panandaliang kalayaan para makasama ang kani-kanilang pamilya, lalo na sa mga mahahalagang okasyon, ang hiling ni Senador De Lima upang makadalo sa pagtatapos ng kanyang anak ay muling tinanggihan.

Ang kanyang walang-humpay na katapangan at sigasig na magpatuloy bilang boses ng mga Pilipino, na patuloy na niyuyurakan ang mga karapatan, ang nag-u-udyok sa kanya na magpatuloy. Ang pagkilalang ito mula sa Amnesty International ay walang dudang makakatulong sa kanya upang higit pang magpatuloy.