1. Recent survey results on senatorial candidates:
We recognize where we are taking off in this campaign. It is a battle with meager resources and against the giants. But we are buoyed by the support of the people that we are seeing in the first few days of the campaign. We will continue to work hard knowing we are fighting the good fight.
**
Kinikilala natin kung saan tayo nanggagaling sa kampanyang ito. Laban ito ng may konting pondong mapagkukunan laban sa mga higante. Ngunit pinapalakas tayo ng suporta ng mamamayan na ating nakita sa mga unang araw ng kampanya. Patuloy tayong magsisikap at magtatrabaho, dahil alam nating tama ang ating ipinaglalaban.
2. Coco levy bill veto:
That’s why it’s crucial for the Otso Diretso candidates to win. Access and control over the billions of pesos in coco levy fund in cash and assets must be given to the coconut farmers who toiled and paid for them. The Supreme Court said so, and more importantly the coconut farmers have fought so. They have won legally, but not yet in our legislature. Otso Diretso candidates Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Pilo Hilbay, Erin Tañada have in various capacities worked to right this continuing injustice to our farmers.
**
Kaya nga mahalaga na manalo ang mga kandidato ng Otso Diretso. Dapat mabigyan ng access at kontrol sa bilyun-bilyong pisong pondo ng coco levy at mga ari-arian nito ang mga magniniyog na naghirap at nagbayad sa mga ito. Korte Suprema na mismo ang nagsabi, at pinakamahalaga ay ipinaglaban ito ng mga magniniyog. Panalo na sila sa korte ngunit hindi pa sa ating lehislatura. Sa kanilang sariling kapasidad, pinaglaban na ng ating mga kandidato sa Otso Diretso na sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Pilo Hilbay, at Erin Tañada na maitama itong patuloy na pambubusabos sa ating mga magniniyog.