We reiterate our call for Vitaliano Aguirre to resign from his post as Secretary of Justice. This recent development once more highlights his unethical actions as a public official.
Last August 30, we called for his resignation due to his propensity for spreading fake information on those he tagged as “dilawan” — for which he had to publicly apologize more than once.
Now, he has been caught red-handed plotting against a sitting Senator during a hearing where he is supposed to be paying his utmost attention.
His actions signify a lack of competence for a man who holds the highest office on justice. His actions clearly violate the norms of conduct for public officials under the law.
The Filipinos deserve better than a Cabinet official who resorts to spreading lies, sowing intrigue and to name-calling. We need a Secretary of Justice who will uphold the highest standards of ethical conduct, integrity, and justice. Secretary Aguirre clearly does not fulfill these requirements.
Inuulit namin ang panawagang magbitiw sa pwesto ni Vitaliano Aguirre bilang Secretary of Justice. Itong pinakabagong pangyayari ay muling nagpapakita ng maling aksyon ni Aguirre bilang isang lingkod-bayan.
Noong August 30, nanawagan ang Partido Liberal magbitiw siya dahil ang hilig niyang magpakalat ng maling impormasyon doon sa mga tinatawag niyang “dilawan” — kung saan maraming beses niyang kinailangang humingi ng tawad.
Ngayon, nahuli siyang nagbabalak laban sa isang nakaupong Senador habang nasa isang pandinig na dapat sana ay binibigyan niya ng kanyang buong atensyon.
Ipinapakita niya sa mga aksyong ito ang kakulangan niya bilang pinakamataas na may katungkulan sa hustisya. Malinaw na ang kanyang mga aksyon ay lumalabag sa mga norms of conduct para sa mga lingkod-bayan sa ilalim ng batas.
Karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng isang miyembro ng Gabinete na hindi nagkakalat ng kasinungalingan at fake news at hindi rin naninira. Kailangan nating mga Pilipino ang isang Secretary of Justice na matino, marangal, at makatarungan. Walang ganoong mga katangian si Aguirre.