Dindo Matining and Rose Miranda
Abante
January 24, 2011
Magkakaroon lamang ng “whitewash” kung ang Office of the Ombudsman ang mag-iimbestiga sa tinaguriang “rice mafia” sa National Food Authority (NFA).
Ito ang tahasang sinabi ni Senador Francis Pangilinan, kasabay ng pagsabing wala umano siyang tiwala sa Ombudsman lalo na’t mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon ang iimbestigahan sa nasabing katiwalian.
“Wala akong tiwala sa Ombudsman at baka ma-whitewash pa,” maikling sagot ni Pangilinan sa kanyang text message kahapon.
Samantala, iginiit ni Senador Francis Escudero na hindi dapat buwagin ang NFA dahil nagagawa pa umano nito ang kanyang mandato.
Sa halip na lusawin ito, imunungkahi nitong dagdagan na lamang deklarasyon ng polisya ang mandato ng NFA sa tamang presyo upang maiwasan ang anomalya sa naturang ahensya.
Kahapon, nilinaw naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang nadiskubre nilang sobrang importasyon at overpriced na NFA rice na isinagawa noong nakaraang administrasyon ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay walang kinalaman sa mga usap-usapan ngayon na bubuwagin na ang NFA at ililipat na lamang ang functions nito sa ibang departamento.
View original post Abante Online