Otso Diretso will ensure a coco levy bill truly beneficial to coco farmers: Sen. Kiko

February 9, 2019

The President’s veto has put a cloud of uncertainty on when the country’s coconut farmers would finally be able to benefit from the coco levy fund.

It is their money — from years of toil and sweat.

The measure before the President is not reflective of the farmers’ sentiments and needs. It has gone through a tedious process of revisions and has lost its soul.

However, the veto means we are back to square one. We urge fellow advocates of the coconut farmers’ cause to stay the course and again work on the proposed law that would truly be beneficial to the farmers and the industry.

Most of our Otso Diretso senatorial candidates — Sen. Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, former Solicitor General Pilo Hilbay, and former Deputy House Speaker Erin Tañada — have worked with our coconut farmers to right the wrong and return to them what is rightfully theirs.

The election of the entire Otso Diretso will ensure that control and management of the billions of pesos in coco levy funds will be given to our farmers, so that their lives will finally be better.

Nagdulot ng di kasiguraduhan ang pag-veto ng Pangulo sa kung kailan talaga mapapakinabangan ng mga magniniyog ang coco levy fund.

Pera nila iyon — mula sa mga taon ng pagod at pawis.

Ang panukalang batas na nakahain sa Pangulo ay di sumasalamin sa sentimyento at pangangailangan ng mga magsasaka. Dumaan ito sa matagal at nakakapagod na proseso ng pagrebisa at nawala na ang kanyang diwa.

Subalit, ibig sabihin ng pag-veto ay balik muli tayo sa simula. Hinihikayat natin ang mga kapwa tagataguyod ng kawsa ng mga magniniyog na manatili sa landas at pagtrabahuhin muli ang panukalang batas na tunay na kapaki-pakinabang sa mga magniniyog at sa industriya.

Karamihan sa ating mga kandidato sa pagkasenador sa Otso Diretso — sina Sen. Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, dating Solicitor General Pilo Hilbay, at dating Deputy Speaker Erin Tañada — ay nakasama ang ating mga magniniyog upang maitama ang mali at maibalik sa kanila ang nararapat para sa kanila.

Matitiyak ng pagkakahalal sa buong Otso Diretso na ang kontrol at pangangasiwa sa bilyung pisong coco levy funds ay mabibigay sa ating mga magniniyog, nang sa gayon ay guminhawa na ang kanilang buhay.