We are one with the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) in making a collective stand against the killing of drug suspects and the strong government push to reimpose the death penalty.
The campaign against illegal drugs and heinous crimes must not cost us the lives of our people, especially the innocent. Our poor, already living under the weight of historical and structural injustices, have carried the burden of this anti-crime drive.
Our government must uphold its responsibility to protect our people, to promote their welfare, and make them safe.
It must pursue justice to the families who have lost their loved ones to criminals.
Let us not lose faith in the capacity of people to change. Killing, whether by criminals or the State, is never the solution to the country’s continuing problems of poverty, high prices of basic goods, and insufficient decent jobs. Killing will destroy our essence as a happy, hopeful, and striving nation.
Kaisa natin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa matibay nitong tindig laban sa sunod-sunod na pagpaslang sa mga drug suspects at sa mariing pagtulak ng pamahalaan na muling ipataw ang parusang kamatayan.
Hindi dapat magbuwis ng buhay ang ating mamamayan, lalo na ang mga walang-sala, sa kampanyang ito laban sa iligal na droga at mga karumal-dumal na krimen. Ang mahihirap, na siya nang pumapasan sa mga kawalang-katarungang bunga ng istruktura at kasaysayan ng lipunan, ang lalo pang nadedehado nitong kampanyang sugpuin ang krimen.
Dapat panindigan ng gobyerno ang responsibilidad nitong pangalagaan ang kanyang mamamayan, itaguyod ang kanilang kapakanan, at ilayo sila sa kapahamakan. Dapat nitong bigyang hustisya ang mga pamilyang inulila ng mga kriminal.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa kakayahan ng tao na magbago. Hindi kailanman solusyon ang pagpatay sa mga batayang suliranin ng bayan tulad ng kahirapan, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at kawalang sapat na hanapbuhay. Wawasakin ng patayan ang ating pagka-Pilipino na masayahin, may pag-asa, at nagpupunyaging mapabuti ang buhay.